"But I, O Lord, cry to you; in the morning my prayer comes before you. O Lord, why do you cast my soul away? Why do you hide your face from me? Afflicted and close to death from my youth up, I suffer your terrors; I am helpless. Your wrath has swept over me; your dreadful assaults destroy me. They surround me like a flood all day long; they close in on me together. You have caused my beloved and my friend to shun me; my companions have become darkness." -Psalm 88:13-18 Asking the Hard QuestionAno na gagawin mo pag dumating ang panahon na parang di ka pinapakinggan ng Diyos sa mga panalangin mo?
This is a hard question, pero napaka-critical na hindi lang natin alam ang isasagot natin sa tanong na ito, kundi buo ang ating resolve at buo ang ating confidence sa Panginoon bago pa tayo dumating sa ganitong season in life (sooner or later, we will). Magdadalawang taon na, and yet God isn’t answering any of our prayers na mawala o kahit kumupa man lang sana na ang COVID. Some of us have been praying for loved ones for years, pleading kay Lord na makakilala din sana sila sa Kanya, pero parang nananatiling kasing-tigas ng bato ang kanilang mga puso. Marami sa atin siguro'y umiiyak na, dahil kung kailan naging resolve na nating mahalin Siya ng ating buong buhay, tila'y doon pa tayo mas nakaranas ng pagsubok at paghihirap sa buhay. At ilang din sa atin ang nagkaroon ng mga mahal sa buhay na naratay sa banig ng karamdam, nananalangin na may kasamang luha’t durog na puso, claiming healing, for God’s mighty hand, hoping that the Lord will use ang buhay ng ating mga minamahal to demonstrate that He is really a God who Heals and answers prayers… and yet, after a long and painful season, COVID man ang sanhi or cancer, babawian din ng buhay ni Lord. I don’t intend here to discourage you, mind you, but to encourage us all we why should persist in prayer. Otherwise, our cries may not hold out through the storm.
0 Comments
|
Archives
August 2021
Categories |